Home Celebrities Agot Isidro, hindi malilimutan ang pahayag ni Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN

Agot Isidro, hindi malilimutan ang pahayag ni Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN

0

Hindi makakalimutan ni Agot Isidro ang ni Pangulong Rodrigo Duterte laban noon sa ABS-CBN.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Agot na hindi niya malilimutan ang pag amin ni Duterte na ginamit niya ang kanyang posisyon upang balaan ang kongreso tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Tinira ko talaga sila. I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino,” wika ng pangulo sa kanyang talumpati sa Davao City.

Matatandaan na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay isinara ang Kapamilya network dahil sa bigo silang makakuha ng prangkisa mula sa kongreso.

“We will never forget,” ani Agot.

Ayon sa kongreso ay hindi nila binigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • Ang dating chairman ng ABS-CBN na si Eugenio Lopez III ay Filipino at American Citizen.
  • Ang pagbibigay ng Philippine Depositary Receipts sa mga banyaga.
  • Hindi magagandang paksa na kanilang ipinapalabas sa telebisyon.
  • Pangingialam sa politika.
  • Hindi pagbabayad ng tamang buwis.
  • Hindi pantay na pagtrato sa kanilang mga mangagawa.

 

Noong una ay itinanggi ng Pangulo na mayroon siyang ginawa upang ipasara ang ABS-CBN.

Ngunit ilang araw bago matapos ang kanyang termino ay binigyang linaw na ng Pangulo kung mayroon nga ba siyang ambag sa pagsasara ng isa sa pinakamalaking network sa bansa.

Facebook Comments