HomeCelebrities'Salamat PRRD' concert, inulan ng luha mula sa mga tagasuporta ni outgoing...

‘Salamat PRRD’ concert, inulan ng luha mula sa mga tagasuporta ni outgoing Pres. Duterte

Punong puno ng emosyon ang naging thanksgiving event na ‘Salamat PRRD’ concert para kay outgoing President Rodrigo Duterte.

Ang nasabing pagtitipon na ginanap nitong Hunyo 26 ay dinaluhan ng mga tagasuporta ni Duterte at ng mga sikat na personalidad na ibinahagi ang kanilang talento sa mga manonood.

Ilan sa mga artista na dumalo ay sina Andrew E, Martin Nievera, Chad Borja, Dulce, Florante, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jimmy BOndoc, Jed Madela, Moymoy Palaboy, Robert Sena at Philippine Philharmonic Orchestra.

Makikita na hindi napigilan ng ilang mga dumalo sa event ang maiyak dahil narin sa mami-miss nila ang pamumuno ni Duterte na dating alkalde sa Davao City.

Lalo pang naging emosyonal ang mga netizen na magbahagi na ng mga mensahe ang mga kilalang ‘DDS’ para sa pangulo.

Kahit mismong si Pangulong Duterte ay makikita na pinipigilan ang kanyang luha dahil sa pagmamahal na ipinakita sa kanya sa nasabing pagtitipon.

Nakikanta din ang pangulo sa mga tagasuporta nito.

Bago matapos ang nasabing pagtitipon ay hinandugan din ni Pangulong Duterte ang kanyang mga tagasuporta ng isang awitin na madalas niyang kinakanta.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang mensahe para sa pangulo.

“Maraming salamat to our outgoing President Tay Digong. You have done great for our beloved Country Philippines. Your Leadership may not be perfect but you have done so much for the country,” sabi ng isang netizen.

“We love you Tatay PRRD. Maraming salamat sa lahat lahat. You’ve done so much for the country. We salute you our dear best President of the Republic of the Philippines. Love live Tatay,” komento pa ng isa.

Nakatakdang matapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 31 at nananatiling mataas ang trust rating nito hanggang sa huling araw niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular