Home Celebrities President Duterte pabor sa hindi pagdalo ni BBM sa mga debate: “Tama si president-elect Marcos,”

President Duterte pabor sa hindi pagdalo ni BBM sa mga debate: “Tama si president-elect Marcos,”

0

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging desisyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong kampanya na hindi dumalo sa mga debate.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Duterte na ang mga presidential debate ay ginawa lamang para pagkakitaan at hindi para tulungan ang kandidato na ibahagi ang kanilang mga plataporma.

Pinuna ng pangulo ang limitadong oras nila sa pagsasalita upang ihayag sana ang kanilang mga plano.

“During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time you are a candidate, you are invited to do that.” ¬†ani Duterte.

“Tama si Marcos, decline… It earns money for them, at your expense sometimes.. We were only given half a minute or one minute, and that’s it. You cannot even talk further.. it was for show,” dagdag niya pa.

Matatandaan na inulan ng batikos noon si Marcos dahil sa kanyang hindi pagdalo sa ilang mga presidential debate na binuo ng mga malalaking network.

Tanging sa SMNI presidential debate lamang lumabas ang president-elect.

Paliwanag naman ni Marcos ay mas gusto niya na lamang ilaan ang oras niya sa pangangampanya at pakikipag-usap sa mga tao kaysa sa dumalo sa mga debate na pag-aawayin lamang sila.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Marcos sa pahayag ng pangulo.

Facebook Comments