HomeCelebritiesDennis Padilla sa kanyang anak na si Leon: "Sorry, Miss ko lang...

Dennis Padilla sa kanyang anak na si Leon: “Sorry, Miss ko lang kayo”

Nagbigay ng tugon ang aktor na si Dennis Padilla sa open letter ng kanyang anak na si Leon Barretto.

Matatandaan na binatikos ni Leon ang kanyang sariling ama dahil diumano sa pagiging madaldal nito sa social media tungkol sa hindi magandang relasyon niya sa mga anak niya.

Ayon kay Leon ay sana’y idaan na lamang sa pribadong paraan ang pakikipag-usap ni Dennis sa kanyang mga anak.

“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?” tanong ni Leon.

Sa kanyang tugon naman, sinabi ni Dennis na hindi niya lang mapigilan mag-post sa social media dahil sa nami-miss niya na ang kanyang mga anak.

15 na taon na din diumano niyang sinusubukan kausapin sina Leon, Julia at Claudia ng pribado.

“I am sorry Leon. Miss ko lang kayo. God bless you more! Just want to know what false narrative I said in public? I [have] been reaching out to all of you for 15 years in private,” sabi ni Dennis.

screencap 2022 06 27 at 12.33.52 PM

Sa isang post naman ang nagsulat din ng liham si Dennis para sa kanyang tatlong anak.

“To be your father is the greatest honor I have received. It allowed me to touch the grace of God even for a moment and to see my love made flesh. I have regretfully made mistakes in my life. I may not have been there for you but I always had you in my heart,” ani Dennis.

“Sometimes in life there are things that we will never understand why it happened, in the end, I regret all the moments I let slip by, I regret all the times I hid my feelings from you. If you could have but one with I would love to spend sometime with you. After all there is not much more to life than that,” dagdag niya pa.

dennis p

Wala pang tugon ang tatlong anak niya sa open letter niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular