HomeCelebritiesCristy Fermin, hinimok si Frankie Pangilinan na humingi ng sorry sa kanyang...

Cristy Fermin, hinimok si Frankie Pangilinan na humingi ng sorry sa kanyang ‘past tweets’

Nagbigay ng reaksyon ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa tweet ng anak ni Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie tungkol sa kanyang ‘null and void’ na mga past post.

Ayon kasi kay Frankie ay kinokonsidera niya ng “null and void” ang kanyang mga nakaraang tweet, kasama na rito ang kanyang mga kritisismo kay Pangulong Rodrigo Duterte at president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Pls consider 99.99% of my past tweets null and void i am simply no longer that person,” ani Kakie.

Hindi naman napigilan pumalag nila Cristy at ng kanyang co-host na si Rommel Chika sa pahayag ng singer.

“Sino siya para magsabing balewalain na natin, ganon na lang? pinakain mo ng masama, nagsalita ka ng pagkasakit-sakit, ganoon na lang? Basta tatanggapin nalang ang salita mo na null and void ang mga binitiwan mong salita?,” aniya.

Mas mainam daw diumano na humingi na lamang ng paumanhin si Kakie sa kanyang mga nakaraang tweets sa social media kung gusto ng tao na kalimutan na lamang ang kanyang mga nakaraang pahayag.

Matatandaan na pinaalala noon ni Nay Cristy kay Kakie ang relasyon ng kanyang ina na si Sharon sa mga Marcos na binabatikos niya.

“Hindi po niya nabalikan ‘yung nakaraan na si Ka Ambo ay ama ng kanyang ina, ang kanyang ina na si Sharon Cuneta ay anak siya. So ‘pag pinagkawig-kawig po ang impormasyon, lumalabas na wala ng research, wala pang utang na loob itong batang ito,” sabi ng kolumnista.

Dahil din sa mga pahayag ni Kakie ang nadamay pati ang kanyang ina na ilang beses din ipinagtanggol ang anak niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular