Home Social Media 64-anyos na retired Scout Ranger, kinuyog ng mga driver ng E-Trike

64-anyos na retired Scout Ranger, kinuyog ng mga driver ng E-Trike

0

Hindi maitago ng isang retiradong Scout Ranger ang kanyang pagkadismaya sa ginawa sa kanya ng mga driver ng e-trike na kanyang sinita nitong Hunyo 26 sa clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa kanyang pahayag, ikinuwento ng enforcer na si Jose Zabala, na isang retired master sergeant ng Philippine Army ang epekto sa kanya at sa kanyang pamilya ng pagkuyog sa kanya ng mga sinisita niyang driver.

Makikita pa sa mukha ni Zabala ang pinsala na natanggap niya mula sa mga driver.

Nakunan pa ng video ang nasabing insidente kaya’t ng makita ito ng kanyang mga kamag-anak ay pati sila ay natakot.

“Ako po ay army special forces airborne, sa totoo lang. Matatag po ako sa totoo lang.  Pero nagtataka ako sa ngayon, sumama ang loob ko sa kanila,” ani Zabala.

Ayon sa report ng pulisya ay nag umpisa ang pagkuyog kay Zabala ng subukan nilang i-tow ang mga nakahambalang na e-trikes sa kahabaan ng EDSA.

Hinimok naman ng MMDA ang mga kumoyog kay Zabala na sumuko na lamang.

Kung hindi nila isusuko ang kumuyog sa retiradong sundalo ay mapipilitan sila na mamalagi na lamang sa nasabing lugar at ipagpatuloy araw araw ang clearing operations.

“Ang amin lang pakiusap kung kilala nila ay ilutang na lang nila ang gumawa nun. Hanggat hindi nila tinu-turnover sa PNP ay i-operate namin ang (lugar),” sabi ni MMDA Director of Health and Public Safety Francis Martinez.

Hindi naman aatras si Zabala sa pagsasampa ng kaso upang turuan ng leksyon ang mga kumuyog sa kanya.

Facebook Comments