Home Celebrities Natalong Kapamilya party-list sa pagtaas ng presyo ng petrolyo: “Ba’t may gobyerno pa tayo?”

Natalong Kapamilya party-list sa pagtaas ng presyo ng petrolyo: “Ba’t may gobyerno pa tayo?”

0

Kahit na natalo na nitong eleksyon ay tila hindi parin titigil ang Kapamilya party-list sa pagpuna sa mga tila pagkakamali ng gobyerno.

Sa kanyang tweet pinuna ni Jerry Grácio, na nominee ng Kapamilya party-list ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at tila kakulangan ng aksyon ng gobyerno upang matulungan ang mga naapektuhan ng nasabing krisis.

Tanong ni Grácio, ano pa ang silbi ng gobyerno kung wala naman itong magawa sa kasalukuyang problema ng bansa.

“Kung pataas nang pataas ang presyo ng petrolyo at walang magawa ang gobyerno, ba’t may gobyerno pa tayo?” tanong ni Grácio sa social media.

Sumagot naman ang ilang followers ng natalong party-list nominee.

Ang isang netizen ay sinisi pa si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi pa nauupo sa pwesto.

“Dahil walang alam ang anak ni MARCOS Sr. Magpatakbo ng gobyerno.Gusto lang nyan magpa sarap sa pwesto..libre lahat pati security nya 24hours..Delikado naman sya sa People power revolution pag maghirap ang taong bayan,” sabi ni netizen @fmesj.

“In the same way, kung pahirap ng pahirap buhay ng Pilipino, bakit tumataas sweldo nila Diokno at iba pa sa gobyerno? Sa private sector, tinatanggal ang mga execs na hindi nagpeperform or at least floating, no salary increases. Di ba dapat ganun din sa govt?” wika ni @lologabemman.

“Para pagtakpan ang mga kaso nila abuso at pandarambong sa kaban ng bayan!Walang pake sa mamamayan papaikutin ng kung ano anong dahilan palagi,masalba ang upuang inagaw sa pandaraya!Masaklap at masakit man pero yan ang katotohanan sa ngayon talaga!” komento naman ni @marc18rob.

Facebook Comments