HomeCelebritiesLeon Barretto, may open letter sa kanyang ama na si Dennis Padilla:...

Leon Barretto, may open letter sa kanyang ama na si Dennis Padilla: “Is public sympathy really more important to you?”

Binatikos ng bunsong anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto na si Leon Barretto ang kanyang sariling ama sa isang open letter nito.

Sa kanyang post sa social media, naglabas ng prangkang mensahe si Leon para sa kanyang ama na si Dennis na matatandaang pinaalalahanan siya dahil sa hindi niya pagbati sa kanyang ama nitong nakaraang Father’s Day.

Ayon kay Leon ay gusto niya mang batiin ng ‘Happy Father’s Day’ ang kanyang ama ay gusto niya itong mangyari ng sigurado na sila sa kung ano nga ba ang kanilang relasyon.

“Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day’ It’s always been an awkward day for
us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day’,” ani Leon.

julia dennis 2

Inakusahan din nito ang kanyang ama na siyang may kasalanan kung bakit tila hindi mabuo buo ang kanilang relasyon dahil lagi na lamang nitong inuuna na magkwento sa publiko tungkol sa relasyon niya sa mga anak niya.

Dahil sa kanyang mga kwento at post ay nababatikos ang kanyang mga anak kasama na dito si Leon.

“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you
continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews,
and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?” tanong ni Leon.

julia dennis

“Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father? It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay ilang beses niya ng nakita ang kanyang mga kapatid na sila Julia at Claudia dahil sa mga pambabatikos na natatanggap nila sa social media dahil tila lumalabas na masama silang anak na hindi nagpapakita ng paggalang sa kanilang ama.

dear papa 1

Sa ngayon ay wala pang post sa social media si Dennis tungkol dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular