HomeCelebritiesDDS pala! Martin Nievera, ibinunyag ang kanyang pagiging 'DDS'

DDS pala! Martin Nievera, ibinunyag ang kanyang pagiging ‘DDS’

Ikinagulat ng mga netizens na isa palang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang singer-songwriter at tinaguriang ‘Concert King’ na si Martin Nievera.

Isa si Nievera sa mga celebrities na magpe-perform para sa thanksgiving concert na alay kay Pangulong Duterte na matatapos na ang kanyang termino sa Hunyo 30.

“Maraming maraming salamat Pangulong Duterte sa inyong dedication and service for the country,” sabi ni Nievera.

Kahit ang ilang mga kilalang tagasuporta ni Duterte ay ikinasupresa ang pagiging DDS ni Nievera na hindi naman nakikita sa mga rally noon ng pangulo.

Itinanggi rin ng mga artista na dumalo sa nasabing concert na wala silang tinanggap na kahit anong bayad mula sa gobyerno upang mag-perform.

Maliban kay Martin Nievera ay dadalo din ang mga celebrities na sila Andrew E, Chad Borja, Dulce, Florante, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jimmy BOndoc, Jed Madela, Moymoy Palaboy, Robert Sena at Philippine Philharmonic Orchestra.

Inaasahan naman na dadating si Duterte sa nasabing pagtitipon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular