HomeCelebritiesMariel Rodriguez, ipinagtanggol ang asawang si Robin Padilla mula sa mga BBM...

Mariel Rodriguez, ipinagtanggol ang asawang si Robin Padilla mula sa mga BBM loyalist

Inuulan hanggang ngayon ng batikos si incoming senator Robin Padilla matapos nitong hindi diumano pasalamatan si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagiging number one nitong eleksyon.

Nag-umpisa ang isyu matapos pasalamatan ni Robin si Kris Aquino dahil sa kanyang pagkapanalo habang hindi niya naman isinali si Marcos sa mga tao na kanyang pinasalamatan.

Ilang mga BBM loyalist kasi ang ipinipilit na si Marcos ang naging dahilan kung bakit nanalo si Robin nitong halalan.

READ MORE: Robin Padilla, naniniwala na si Kris Aquino ang isa sa mga dahilan kung bakit topnotcher siya sa senado: “Hinding hindi kami makakalimot”

Iginiit naman ni Padilla na hindi siya opisyal na inendorso ni Marcos noong kampanya ngunit itinuturing niya paring kaibigan ang president-elect.

“Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag endorso sa akin si incoming president Bongbong marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap nong kampanya na hindi po ako na endorso ng aking personal na Kaibigan.” ani Robin.

READ MORE: Robin Padilla, iginiit na hindi siya inendorso ni BBM: “Hindi po ako na endorso ng aking personal na Kaibigan.”

Dahil sa batikos na natatanggap ni Robin ay pumasok na ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez upang linawin sa mga netizen na noong Mayo 14 pa lamang ay pinasalamatan niya na si Marcos.

“May 14!!!! May 14 pa lang nagpasalamat na si Robin Padilla kay President BBM. Una siyang pinasalamatan bago ang lahat. Here is a photo of Robin with PBBM and Sen Bong Go during VP Sara Duterte’s oath taking we greatly appreciate President BBM’s kindness.” ani Mariel.

Ilang netizen naman ang nagpakita ng suporta sa aktor na ngayo’y isa ng senador.

“Naku mga rabid loyalists lang naman ang sensitive. Don’t mind them. Minsan kaugali na din ng pinklawan.” sabi ni netizen Al Drogo.

“I hope yung mga may makikitid na utak na loyalista maliwanagan ng mabuti. PBBM wants unity. kung tunay silang loyalista, sa kanila din dapat magsimula. wag maging asal pinklawan,” komento ni Red Pop.

“C sen.Robin ang tipong my prinsipyo sa buhay at marunong tumanaw ng utang na loob, kaya nga astig kaya bilib aq dito kay sen. Robin kc sobra tumolong sa mga taong nangangailangan. At sobra magmahal ng mga kaibigan.kaya sau idol goodluck sa bago mong tatahakin sa senado, i support you….god bless you! Love you,” wika ni Maymay ALmazar.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular