Home Celebrities Incoming Sen. Alan Peter Cayetano, hinarap ng nakasalubong na netizen: “10,000 ko sir?”

Incoming Sen. Alan Peter Cayetano, hinarap ng nakasalubong na netizen: “10,000 ko sir?”

0

Hanggang ngayon ay hindi parin maiwasan ng mga netizens na banggitin ang pangako ni incoming senator Alan Peter Cayetano.

Matatandaan na noong kampanya ay nangako si Cayetano ng P10,000 ayuda para sa kada pamilya upang matulungan sila na makabangon sa nangyaring krisis sa bansa.

Matapos manalo si Cayetano na pang-pito sa mga pinakamaraming boto na nakuha sa pagkasenador ay ilang netizen na ang hindi makapaghintay na matanggap ang pangako ng beteranong politiko.

Sa isang TikTok video ay hindi na napigilan pa ng isang netizen na tanungin ng personal ang senator-elect kasama ang kanyang asawa na si Taguig City Mayor-elect Lani Cayetano kung nasaan na ang sampung libo na pinangako niya.

“Uy si ano, si ano (Cayetano)… Sir, 10K ko, Sir… Sir, 10K,” sabi ng netizen.

Hindi naman siya pinansin ni Cayetano at patuloy itong naglakad sa nasabing mall.

@brookshield_22

Lakas ng loob ni kuya..Haha..😅😂 ‘Yung 10k n ayuda daw po asan n..☺ ..Piz po..✌☺ #fypシ #fypシ゚viral #tiktokphilippines🇵🇭 #10k #ayuda #allanpetercayetano

♬ original sound – Brook Shield – Brook Shield

Nitong kampanya ay ibinahagi ni Cayetano kung paano nga ba maisasakatuparan ang P10,000 na ayuda sa kada pamilya.

Ayon sa kanyang plano ay hindi ito magagawa mag-isa ng senator-elect at kailangan niya ang tulong ng executive department dahil ito ang maglalaan ng pondo para sa mga nangangailangan.

READ MORE: Alan Peter Cayetano, ipinaliwanag kung paano matutupad ang 10,000 ayuda kada pamilya

“Alam ng Pangulo y’ung aking suporta sa kanya, so I hope hindi nila masamain itong counter-proposal. Simple ang proposal: institute a mandatory five percent savings in all government agencies,” ani Cayetano.

“Five percent will give you P250 billion. Once you get P250 billion, you can give each Filipino family P10,000, mayr’on ka pang P50 billion na naka-stand-by,” dagdag niya pa.

 

 

 

Facebook Comments