Home Celebrities Imee Marcos, sa Maid in Malacañang movie “Karapatan naman ng mga Pilipino na malaman kung ano ang nangyari”

Imee Marcos, sa Maid in Malacañang movie “Karapatan naman ng mga Pilipino na malaman kung ano ang nangyari”

0

Itinanggi ni Senador Imee Marcos na gusto nilang baguhin ang kasaysayan upang pumabor sa kanila sa pamamagitan ng pelikula ni Direktor Darryl Yap na pinamagatang ‘Maid in Malacañang.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa mga huling araw ng mga Marcos sa loob ng Malacañang bago sila tumakas papuntang Hawaii noong 1986 matapos silang mapatalsik sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Gaganap bilang pamilya Marcos ang mga aktor at aktres na sina Cesar Montano, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, at Cristine Reyes.

Ayon kay Marcos ay gusto lamang nilang ibahagi ang kanilang kwento na hindi pa naririnig nga taumbayan.

“Sa isipan namin, for me at sa aking pamilya, panahon na na magkuwento rin kami kung anong nangyari sa Malacañang, yung nalalaman namin. Hindi natin binabago ang katotohanan. Dinadagdagan lamang ng kaalaman namin,” ani Marcos sa isang press conference na ginanap nitong Hunyo 25.

Naniniwala si Marcos na dapat ay malaman ng publiko ang kanilang kwento.

“Ito ay kuwento lamang na nalalaman namin from our point of view. Wala kaming binabago sa sinasabi nila. Nilalahad lang namin yung alam namin. We’re not revising anything. It’s totally inaccurate to say that.” paliwanag ng senadora.

“We’re simply explaining in this film, to some degree, kung ano yung mga pangyayari nung huling tatlong araw. At palagay ko, may karapatan naman ang Pilipino, ang sambayanan na malaman kung anong nangyayari sa loob ng palasyo nung mga panahon na yun.” dagdag niya pa.

Umaasa naman na darating na ang panahon na malilinis na nila ang pangalan ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr.

“What’s most important to us is, of course, our name, the family name that has become so controversial, and so difficult at times to bear.” aniya.

Facebook Comments