Home Celebrities Ilang netizens, handang i-boycott ang Maid in Malacanang: Only patay gutom will watch it

Ilang netizens, handang i-boycott ang Maid in Malacanang: Only patay gutom will watch it

0

Handa ang ilang netizens na i-boycott ang pelikula ni Darryl Yap na Maid in Malacañang na tungkol sa kwento ng pamilya Marcos ilang araw bago sila mapaalis sa pwesto dahil sa People Power Revolution.

Sa ilang komento sa Twitter, ilang netizen ang nanghimok na dapat ay hindi panoorin ang nasabing pelikula.

“#Kakampink will never waste money meaning Boycott Maid in Malacanang. No one watching this movie. Only patay sa gutom na Hakot bayaran na bbm supporters pero syempre babayaran ni bbm sila. How much movie cost per head 350 na or more than 300 per head,” sabi ni netizen @angelicrose72.

We should all boycott maid in malacanang,” tweet naman ni netizen @soupertime.

Hiling din nila na sana’y huwag ng ibalita pa ang nasabing pelikula dahil sa babaguhin lamang diumano ng Maid in Malacañang ang kasaysayan.

“I think media outlets should stop posting about maid in malacañang  like besteas stop giving them the platform when its so obvious that the film seeks to distort history and to clear their names,” wika ni @akrvitor.

Matatandaan na ipinaliwanag na ni Sen. Imee Marcos na wala silang babaguhin sa kasaysayan sa pamamagitan ng Maid in Malacañang.

READ MORE: Imee Marcos, sa Maid in Malacañang movie “Karapatan naman ng mga Pilipino na malaman kung ano ang nangyari”

Ang gusto lamang daw nila ay maibahagi ang kanilang kwento na hindi pa nalalaman ng publiko hanggang sa ngayon.

“We’re simply explaining in this film, to some degree, kung ano yung mga pangyayari nung huling tatlong araw. At palagay ko, may karapatan naman ang Pilipino, ang sambayanan na malaman kung anong nangyayari sa loob ng palasyo nung mga panahon na yun.” sabi ng senadora.

Facebook Comments