HomeSocial MediaBinata na nagnakaw ng mga manok, prutas at nuggets himas rehas

Binata na nagnakaw ng mga manok, prutas at nuggets himas rehas

Dahil sa nangyayaring isyu ngayon na kinakaharap ng SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente na inaakusahang nakakatanggap ng VIP treatment dahil sa kanyang diumano’y impluwensya ay kumalat sa social media ang isang kwento tungkol sa isang binata na hinuli ng mga otoridad dahil sa pagkuha nito ng manok.

Ang nasabing istorya ay nangyari noong 2020 kung saan ibinalita ng Bombo Radyo ang pagkahuli sa binatang si Romy Mambusada na hinuli dahil sa pagkuha nito ng buhay na manok at prutas.

Sa nasabing report ng barangay Lagdungan sa Tapaz, Capiz ay pumasok diumano ang suspek sa bahay ng biktima na may dalang isang sako.

Dito na daw kinuha ni Mambusada ang mga alagang manok ng biktima, ilang prutas at chicken nuggets.

Kinumpirma sa presinto ng biktima na siya nga ang may-ari ng mga manok at pagkain.

Pursigido naman ang biktima na ipasok sa piitan ang suspek.

Maliban din daw kasi sa pagkain ay may mga gadgets pang kinuha ang suspek.

Nagpakilalang retiradong pulis ang biktima na residente din ng Tapaz.

Nakakuha naman ng simpatya mula sa mga netizens ang biktima.

Ayon sa ilan ay dapat idinaan na lamang sa areglo ang nasabing kaso lalo na’t maaring gutom lamang ang suspek kaya niya ito nagawa.

Ngunit may ilan na naniniwala na dapat ay manaig ang batas upang maturuan ng leksyon ang suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular