HomeCelebritiesAMBS Channel 2 ni Manny Villar, nag-umpisa na ang test broadcast

AMBS Channel 2 ni Manny Villar, nag-umpisa na ang test broadcast

Inumpisahan na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ni dating senate president Manny Villar ang test broadcast ng kanilang channel.

Matatandaan na ang dating channel na pagmamay-ari ng ABS-CBN na channel 2 ang gagamitin ng AMBS para ipalabas ang kanilang mga programa.

Ang posibleng lokasyon ng transmitter ay maaring ilagay sa Antipolo, Wil Tower sa Quezon City at sa Paragon Plaza sa Mandaluyong kung saan makikita ang AMBS.

Ang test broadcast ay isang senyales na tila tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng AMBS ng kanilang nga programa.

Isa si Willie Revillame na malapit na kaibigan ni Villar sa maaring mamuno sa nasabing istasyon.

IMG 20220625 145110

Ilang tagasuporta noon ng ABS CBN ang hiniling noon na ibalik na lamang sa Kapamilya network ang channel 2.

Pero tila malabo na itong mangyari matapos ibigay ng NTC sa AMBS ang frequency ng ABS CBN.

Ngunit may ilang ulat na maaring ipalabas ang mga lumang programa ng ABS sa AMBS.

“Villar could possibly get Johhny M (Manahan) and get all the talent and producers to get that Kapamilya vibes back,” sabi sa isang ulat.

Sa ngayon ay sa TV5 at A2Z channel ipinalabas ang ilang programa ng ABS CBN.

Wala pang pahayag ang ABS CBN at AMBS tungkol sa posibleng partnership nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular