Home Social Media Netizen sinabing posible na ‘body double’ na lamang ni BBM ang president-elect ngayon

Netizen sinabing posible na ‘body double’ na lamang ni BBM ang president-elect ngayon

0

Naniniwala ang isang netizen na may posibilidad na peke ang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inihalal ng taumbayan.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Joe de Jesus ang diumano’y posibleng pagiging presidente ng ‘body double’ ni Marcos.

Ayon kasi sa kanyang kwento ay matagal na diumanong pumanaw ang totoong Bongbong Marcos sa United Kingdom matapos itong makipag-away.

Upang hindi diumano magkagulo sa Pilipinas ay pinalabas ng mga Marcos na buhay parin si Bongbong sa pamamagitan ng pagkuha ng body double.

“CONNECT THE DOTS. Given the Marcos family is big on deceptions, the story milling around that the real Bongbong Marcos have died after a fight in UK while he was there studying and that Marcos Sr. took a “double” to perpetuate the dynasty.” ani De Jesus.

“Given at that time in the 70s, plastic surgery was already around, and the Marcoses have money to burn to enhance their looks it is not improbable that a “double” could exist to replace the original. In this case, more than a camouflage but a purported “real deal” to assume as son to further their pillage.” dagdag niya pa.

Sinubukan din ipagkumpara ni De Jesus ang mga larawan ni dating presidente Ferdinand Marcos Sr. at ng susunod na presidente

“So with the Marcoses as masters of deceptions, how plausible is it that what we will be getting as the next President of the Philippines is not what he claimed he is but an IMPOSTOR Thoughts?” tanong ng netizen.

Sa isang post pa niya ay ibinahagi din niya ang isang larawan kung saan ay napansin nito na mas maliit ang president-elect kaysa sa kanyang ina at ama.

“His parents were measured to be both 5’7″. Hence, this Bongbong must be 5’7″ or taller. So, who is this guy trying to pass as Bongbong, who wants to make Malacañang his home and become our president for 6 years (holy moses) who is just only standing at 5 ft 5 in.” sabi pa ni de Jesus.

Matatandaan na ilang beses ng itinanggi ng mga Marcos ang nasabing kwento.

Umabot pa nga sa punto na naging basehan ang nasabing kwento upang ipa-disqualify ang president-elect nitong nakaraang halalan.

Facebook Comments