HomeSocial MediaManunulat, sa hindi pagpili ni Marcos kay Art Tugade: "PRRD’s “gift” to...

Manunulat, sa hindi pagpili ni Marcos kay Art Tugade: “PRRD’s “gift” to the BBM admin was rejected,”

Nagbigay ng kanyang opinyon ang kilalang manunulat na si Krizette Laureta Chu matapos putulin ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamumuno ni Sec. Art Tugade sa Department of Transporation (DOTr).

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Chu na hinahangaan niya rin naman ang ipapalit ni Marcos kay Tugade na si Jimmy Bautista na dating presidente ng Philippine Airlines (PAL).

Ibinahagi pa nito na malaki ang ipinagbago ng PAL simula ng si Bautista ang mamuno sa nasabing kumpanya.

tugade prrd

Ngunit naniniwala siya na ang pag-alis ni Tugade ay ang pagtatapos ng ‘Build, Build, Build era’.

“PRRD isn’t the kind who would push his people or ideas, so for him to low key push Tugade like this meant it was a big deal for him to have Tugade continue BBB projects.” sabi ng manunulat.

“But PRRD’s “gift” to the BBM admin was rejected, and I feel like Tugade not being renewed means it’s the end of the BBB era.” dagdag niya pa.

Nagpasalamat naman si Chu sa serbisyo ni Tugade.

“No one can erase your legacy. At your age, at your state in life, you still managed to leave this country so much better than when you took over.” aniya.

Si Chu ang isa sa mga kilalang personalidad na sinubukan himukin si Marcos na kunin muli si Tugade bilang pinuno ng DOTr.

Matatandaan na nitong Pebrero ay sinabi ni Duterte na handa niyang iregalo sa susunod na administrasyon si Tugade.

“Kung maregalo ko kayo, Tugade, ikaw, eh di ayos ang Pilipinas,” sabi ng pangulo.

“I was awed, actually, looking at the slides and the way you (Tugade)—you have not changed. Your passion for achievement has always been there,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular