HomeCelebritiesKa Tunying Taberna, sa eroplano ng Cebu Pacific Pilot na nag-post laban...

Ka Tunying Taberna, sa eroplano ng Cebu Pacific Pilot na nag-post laban kay VP Leni sasakay: “Malakas ang loob!”

Naging kontrobersyal sa social media ang isang piloto na nagta-trabaho sa Cebu Pacific matapos nitong mag-post ng isang kwento laban kay Vice President Leni Robredo.

Nakilala ang piloto na si Capt. Van Rañoa na isa ring part-time blogger na matatandaang inulan ng batikos sa social media dahil sa sinabi nito na humingi ng priority landing si Robredo na naging dahilan ng pagkaantala ng ilang biyahe sa paliparan.

Ilan sa mga bumatikos sa blogger ay ang aktor na si Edu Manzano na sinabing hindi siya sasakay sa Cebu Pacific hangga’t hindi nabibigyan ng aksyon ang ginawa ni Rañoa.

READ MORE: Edu Manzano, hindi sasakay ng Cebu Pacific hangga’t hindi naalis ang piloto na nag-post laban kay VP Leni

Ngunit hindi lahat ng kilalang personalidad ay negatibo ang pagtingin sa piloto.

Isa na rito ay ang mamamahayag na si Anthony “Ka Tunying” Taberna na sinabing kapag sumakay siya ng Cebu Pacific ay hahanapin niya ang nasabing kapitan.

“Pag nakabiyahe ako muli at Cebu Pacific, hahanapin ko talaga si Capt. Van Rañoa… malakas ang loob eh! Magaling siguro magpa-landing ang pilot na ‘to! Wanted ka sakin, Kapitantero!” ani Taberna.

screencap 2022 06 24 at 2.36.06 AM

Ibinahagi din nito na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay tinanggalan ng priority landing sa mga paliparan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito daw kasi ang utos ng pangulo bilang parte ng kanyang paghimok sa mga opisyal ng gobyerno na maging simple at huwag maging pa-VIP.

“Kung di priority ang Presidente, natural naman na ganun din ang iba pang government officials!” sabi ni Taberna.

Inaabangan naman ng mga netizens ang magiging desisyon ng Cebu Pacific sa kanilang piloto.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular