Home Celebrities Father James Uy-Gascon dismayado sa resulta ng halalan: “Bakit sa basketball pinakinggan dasal ko, sa elections hindi?”

Father James Uy-Gascon dismayado sa resulta ng halalan: “Bakit sa basketball pinakinggan dasal ko, sa elections hindi?”

0

Hindi makapaniwala si Father James Uy-Gascon sa naging resulta ng halalan kung saan ay natambakan ang kanyang pambato na si Vice President Leni Robredo ng katunggali nito na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Facebook post matapos ang halalan, halata ang pagkadismaya ng pari dahil tila hindi pinakinggan ng Diyos ang kanyang panalangin.

“Bakit sa basketball pinakinggan dasal ko, sa elections hindi?” tanong ni Gascon sa kanyang sarili.

Screencap ng post mula kay Fr. James Uy-Gascon.

Agad naman itong nag-move on sa resulta ng halalan at sinabi na magiging volunteer siya ng itatayong NGO ni Robredo na Angat Buhay.

“I move on with my grief. Losing Leni-Kiko is not only my loss but the Filipinos lost an opportunity which comes once in a lifetime. Good and honest leadership. As I posted before, “kung di matinong kandidato manalo, lahat tayo talo.” sabi ng pari.
“And I am glad Leni will continue the work. I am volunteering to be a member of the ANGAT BUHAY NGO. Let’s show to the world that we do not need to be elected to serve our people, choose what is right, and do good. Count me in; officially I am committing. I declare that my color is PINK FOREVER! Tara na…” dagdag niya pa.
Screencap ng post mula kay Fr. James Uy-Gascon.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang nasabing pari matapos itong mag post noong Oktubre 4 kung saan ay sinabi nito na handa niyang itaya ang kanyang pagiging pari para sa eleksyon.
“This coming elections, itataya ko ang pagka-pari ko. Kung di kayo buboto sa matinong kandidato, wag na kayong magsimba. Pa lector-lector pa sa simbahan, pa quote-quote pa ng bible. Tapos susuporta sa demonyo? Anong klase kayo.” sabi ng pari.
Binura niya naman ang nasabing post matapos itong makatikim ng batikos sa mga netizens.
Facebook Comments