HomeCelebritiesCristy Fermin, pinuri ang pagiging simple ni Jinkee Pacquiao noong halalan: "Sumunod...

Cristy Fermin, pinuri ang pagiging simple ni Jinkee Pacquiao noong halalan: “Sumunod naman siya sa nararapat”

Malaya na daw magsoot ng mamahalin ang asawa ng pambansang kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ayon sa batikan na kolumnista na si Cristy Fermin.

Sa kanyang programa, ipinaliwanag ni Fermin ang kanyang pagpuna noon kay Jinkee na matatandaang naging usap-usapan sa social media.

Matatandaan na tinawag noong “walang kahihiyan” ni Fermin si Pacquiao dahil sa pagsosoot nito ng mamahaling damit kahit na alam nitong tumatakbo ang asawa nito sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

READ MORE: Cristy Fermin, binanatan si Jinkee Pacquiao dahil mahal nitong damit: “Ang daming nagugutom”

Pero ayon kay Fermin ay malaya na itong gawin ulit ni Pacquiao dahil sa tapos na ang halalan.

“Kaya lang natin tinutuligsa noon si Jinkee ay dahil malapit na ang eleksyon at ang kanyang asawa ay tatakbo sa pinakamataas na posisyon, na hindi naman dapat talaga. Pero ngayon na alam naman natin kung ano ang naganap sa kapalaran ni Pambansang Kamao, malaya na po nilang gagawin ito at isa itong patunay na hindi naubos ang kanilang pera sa eleksyon.” paliwanag ni Fermin.

Pinuri rin nito si Jinkee dahil sa tila umiwas itong magsoot ng mamahalin noong kampanya.

“Nakapantalon at t-shirt lang siya noon pagka umiikot si Sen. Pacquiao, sumunod naman siya sa nararapat. Oo ngayon tapos na ang eleksyon, oo nga at hindi pa rin magandang tignan at pakinggan dahil, buhay na buhay pa rin ang pandemya, napakarami pa rin po nating kababayan na talagang naghihirap. Pero siguro po, hindi naman natin isisisi kay Jinkee at sa kanyang mga kagamitan ang paghihirap ng bawat Pilipino.” sabi ng kolumnista.

Alam din naman ng kolumnista na karapatan ni Pacquiao na magsoot ng mamahalin lalo na’t galit ito sa paghihirap ng pambansang kamao.

“Ibigay na po natin kay Jinkee ‘yan tutal naman hindi naman tayo naagawan ng kahit isang butil ng bigas nu’ng bilhin niya ‘yan. At saka isuot man niya nang patung-patong ang kanyang mga branded stuff, hindi naman po baba ang presyo ng gas.” sabi pa ni Fermin.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular