Home Celebrities Cristy Fermin, naging emosyonal sa kalagayan ni Nora Aunor: “Hindi siya makahinga ng maayos, laging naka-oxygen”

Cristy Fermin, naging emosyonal sa kalagayan ni Nora Aunor: “Hindi siya makahinga ng maayos, laging naka-oxygen”

0

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kasalukuyang kalagayan ni National Artist for Film na si Nora Aunor.

Sa kanyang programa, sinabi ni Fermin na hindi niya napigilan maging emosyonal ng malaman niya ang kalagayan ng aktres na hindi personal na natanggap ang kanyang National Artist Award dahil sa kanyang karamdaman.

Ayon sa kolumnista ay matagal pa naman pinaghandaan ng nag-iisang ‘Superstar’ ang kanyang pagtanggap sa parangal na pinakahihintay niya.

“May sakit naman si Nora Aunor. Hindi naman niya kaya. Pinaghandaan niya ‘to, sabi nga ng mga anak niya nagpagupit pa raw ng buhok. Matagal na niyang pinaghandaan ang pinakamtaas na antas ng parangal sa kahit sinong artista,” kwento ni Fermin.

“Nagpagawa pa raw ng damit, pero pagdating ‘nung awarding, hindi niya kakayanin. Sabi, ayaw payagan ng mga doktor niya si Nora Aunor na umalis at lumabas ng ospital,” dagdag niya pa.

Lalo pang nalungkot ang kolumnista ng malaman niya ang kalagayan ng aktres na ngayon ay nasa ospital.

“Kaya ‘nung nalaman ko na hindi siya nakakahinga ng maayos, lagi siyang naka-oxygen, hanggang sa dalhin na sa ospital at binabantayan na, parang ang lakas-lakas ng suntok sa puso ko talaga,” aniya.

Matatandaan na ang mga anak ng tanyag na aktres na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth ang tumanggap ng parangal para sa kanilang ina.

Samantala ay si Lotlot naman ang personal na nag-aalaga sa National Artist.

Facebook Comments