Home Celebrities Buti pa si Bato at Lacson! SP Tito Sotto, kinuwestiyon ang ‘VIP treatment’ sa Sanvicente family

Buti pa si Bato at Lacson! SP Tito Sotto, kinuwestiyon ang ‘VIP treatment’ sa Sanvicente family

0

Hindi naitago ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang kanyang pagkadismaya sa tila special treatment na ibinibigay ng Philippine National Police (PNP) sa hit-and-run suspect na si Jose Antonio Sanvicente.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang press conference ng mga Sanvicente sa loob pa mismo ng Camp Crame.

Lalo pang nag-init ang mata ng mga netizens na makita ang mga larawan kung saan nagmamano ang ina ng suspek sa pinuno ng PNP na si Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Sotto ay maraming kailangan ipaliwanag si Danao kung bakit ganoon nalang ang trato ng PNP sa suspek.

Isa sa mga pinuna nito ay ang pagtanggi ng PNP na huwag kuhanan ng test si Sanvicente upang malaman kung gumagamit ba ito ng ipinagbabawal na gamot.

“Nangunguna ako sa na disappoint kasi ako ang author ng anti-drunk and drugged driving law eh,” ani Sotto sa panayma sa kanya ng DWIZ.

“Whether or not may makikita ka or wala (sa test) sundin mo ang batas. Bakit vinip mo? Ganun ka simple labanan eh kung driver ng jeepney nakasaga dyan, baka ginulpi nila yun eh,” wika pa ng senador.

Ayon kay Sotto ay sana’y ginaya ni Danao ang pamumuno nila dating PNP chief Ping Lacson, Ronald “Bato” dela Rosa at Guillermo Eleazar.

“Ang daming pwede naman nilang gayahin, andyan sina Sen. Ping Lacson, Guillermo Eleazar, Bato Dela Rosa, ang gagaling na PNP chief yang mga yan ah di nagpapalusot ng ganyan. Walang VIP, VIP sa mga yan ah, eh bat ngayon ganyan?” sabi pa ng senador.

Umaasa naman si Sotto na iimbestigahan sa 19th Congress ang isyu ng mga Sanvicente.

Facebook Comments