HomeSocial MediaArt Tugade, papalitan ni dating Philippine Airlines President Jaime Bautista bilang Transport...

Art Tugade, papalitan ni dating Philippine Airlines President Jaime Bautista bilang Transport Secretary

Kinumpirma ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi si Arthur Tugade ang kanilang magiging Department of Transportation (DOTr) Secretary.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni incoming executive secretary Vic Rodriguez na si dating Philippine Airlines President Jaime Bautista ang kanilang magiging transport secretary.

Si Bautista ay naging parte ng Philippine Airlines ng 25 na taon.

Siya rin ang isa sa mga trumabaho ng National Economic Development Authority (NEDA) approval para sa etro Manila Subway, Philippine National Railway (PNR) Manila to Calamba, PNR Manila to Bicol, at Tagum-Davao-Digos Mindanao rail projects

Hindi naman naitago ng mga tagasuporta ni Tugade ang kanilang pagkalungkot dahil hindi ang kasalukuyang transport secretary ang napili ni Marcos.

tugade jaime bautista
Sec. Art Tugade at incoming Sec. Jaime Bautista

Matatandaan na kasama si Tugade sa mga pinagpipilian noon ng kampo ni Marcos na maging parte ng kanilang gabinete.

“I hope I’m wrong with what I am thinking. Tugade is the best DOTR secretary there is.” sabi ni Alma Escana.

“Disappointed papalitan si Tugade sana mapantayan niya yung kung ano ang ginawa ni Tugade,” wika ni Reinn Lee.

Ang ilan naman ay tanggap na ang pagreretiro ni Tugade.

“Mga kababayan, alam natin na si Sir Tugade and all the dept employees did an excellent job.. Pero ibigay din natin sa kanya na deserve na din niya mag pahinga at i-enjoy ang life niya post PRRD term.. Like kay PRRD, need nilang dalawa na mag enjoy din, may edad na din sila pareho.. We can all support and thank them both for the job well done!” wika ni Mark Sandoval.

Wala pang pahayag si Tugade sa desisyon ni BBM.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular