HomeCelebritiesSandro Marcos, ibinuking na nobya ang sexy actress na si Alexa Miro:...

Sandro Marcos, ibinuking na nobya ang sexy actress na si Alexa Miro: “Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor,”

Kinumpirma ni incoming Ilocos Norte 1st District representative Sandro Marcos na taga Bacoor, Cavite ang kanyang nobya.

Sa Facebook live ng asawa ni Mercado na si Senador Bong Revilla nitong Hunyo 19, binanggit ng alkalde ang relationship status ni Sandro.

“Hello, Sandro. Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor,” ani Mercado.

alexa miro 2

Ayon sa alkalde ay ang anak niyang si Bryan ang nagsabi sa kanya tungkol sa karelasyon ni Marcos sa Bacoor.

Inamin naman ito agad ni Marcos.

“Yes, but atin atin lang iyan ha,” sabi ng darating na kongresista at presidential son.

Matatandaan na nali-link ngayon si Sandro sa 26-anyos na sexy actress at television host na si Alexa Miro na isang residente ng Bacoor.

alexa 2

Nakilala si Alexa sa kanyang pagiging aktres sa ABS-CBN at ang kanyang pagiging parte ng commercial ng sikat na sikat na fast food chain.

Naging parte din ito ng pelikula ni Direktor Erik Matti na isang kilalang anti-Marcos.

Ayon sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ay noong 2021 pa magkarelasyon si Marcos at Miro at nagbakasyon din ang dalawa sa Europe.

Hindi naman daw nagpo-post ang dalawa sa social media tungkol sa kanilang relasyon dahil mas pinili nila na maging pribado imbis na ‘i-flex’ ang isa’t isa.

Hinihintay naman ng mga ‘marites’ ang pahayag ng dalawa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular