HomeCelebritiesLotlot de Leon nakipag-ayos na kay Nora Aunor at ngayo'y inaalagan ang...

Lotlot de Leon nakipag-ayos na kay Nora Aunor at ngayo’y inaalagan ang kanyang inang may sakit

Ibinunyag ni Lotlot de Leon na maayos na ang kanyang relasyon sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Lotlot na ang karamdaman ng 69-anyos na si Ate Guy ang naging dahilan kung bakit hindi nito personal na tinanggap ang kanyang National Artist Award.

Matatandaan na kumalat noon sa social media ang larawan ni Nora na nakasakay sa wheelchair na isang indikasyon na hirap na itong maglakad.

Dahil dito ay ang mga anak ni Nora sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth na lamang ang pumunta sa Malacañang para personal na tanggapin ang award.

lotlot nora

“Diretso na kaming magde-deliver kay mommy ngayon ng kanyang plaque. Sa mga fans, sobrang salamat po sa inyo sa pagmamahal po ninyo sa mommy namin na walang katapusan. Thank you, thank you so much po sa inyo. Mahal po namin kayo,” sabi ni Matet sa panayam sa kanya.

Hindi rin pumunta si Lotlot dahil siya ang mismong nag-aalaga sa kanyang ina.

Tumanggi naman ang kampo ng Superstar na sabihin kung ano nga ba ang kondisyon ng national artist.

Matatandaan na hindi naging maayos ang relasyon ni Lotlot at Nora ng ilang taon.

Hindi naman malaman kung ano ang naging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan na umabot sa punto na hindi na sila nagkikita.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular