HomeCelebritiesKorina Sanchez, ipinagtanggol ang asawang si Mar Roxas: "He has done so...

Korina Sanchez, ipinagtanggol ang asawang si Mar Roxas: “He has done so much for this country”

Ibinahagi ng television host na si Korina Sanchez kung bakit nga ba hindi na aktibo ngayon ang kanyang asawang si Mar Roxas sa politika.

Sa kanyang Instagram nitong Father’s Day, sinagot ni Korina ang mga katanungan mula sa mga tagasuporta nila kung bakit nga ba hindi na tumakbo nitong nakaraang halalan si Mar.

Ayon kasi sa kanya ay mas pinili na lamang ng dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na ibuhos ang kanyang oras sa kanyang anak na sina Pepe at Pilar.

“A lot of people ask about why Mar isnt in politics now. I dont bother asking him because I know. Although I do remind him that he has done SO much for this country out of the best years of his life as it is. All 30 or so years in office.” ani Korina.

“So now he is again a father —- to twin 3 year old firecrackers Pepe en Pilar. Im convinced. Out of all that he has contributed the best way he knows how for the good of this country and its people, his children Paolo, Pepe en Pilar are yet his most priceless legacy for this planet. And this is now his happiest and most important position to date.” dagdag niya pa.

Matatandaan na sinubukan ni Roxas na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas nitong 2016 ngunit natalo ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinubukan naman nitong tumakbo muli ng 2019 bilang senador ngunit bigo parin itong makapasok sa magic 12.

Usap-usapan naman ang posibleng pagbalik nito sa public service sa susunod na administrasyon, ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng kampo ni Roxas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular