Home Celebrities Ilang OFW sa UAE sa pagpunta ni Vice Ganda sa kanilang lugar: “Kahit libre pa yan, mag relax nalang ako sa bahay”

Ilang OFW sa UAE sa pagpunta ni Vice Ganda sa kanilang lugar: “Kahit libre pa yan, mag relax nalang ako sa bahay”

0

Tila hindi maganda ang natatanggap na komento ng darating na ‘Fully VICE-cinated’ concert ng komedyanteng si Vice Ganda sa United Arab Emirates sa darating na Agosto 2022.

Sa ilang comment sa ‘The Filipino Times’ ang isa sa mga pinakabinabasang news website ng mga OFW ay mas gugustuhin na lamang daw nilang magpahinga imbis na sayangin ang pera nila kay Vice Ganda.

Ngunit iba na daw ang usapan kapag ang rapper na si Andrew E. ang pumunta sa UAE dahil siguradong pupunta sila.

Matatandaan na inanunsyo ng rapper ang kanyang pagpunta sa Dubai sa Oktubre 29, 2022.

“Naku.. busy kami nyan.. pag si Andrew E okey pa mag concert dito sa dubai,” sabi ni netizen Liza Elizarde.

“Sayang ang pera if libre sayang ang oras,” wika ni Annabel Gabotero.

“Sa mga OFW sa Dubai… mas gugustuhin ko na lng na ipadala sa Pinas yung pera kaysa sa manood ng concert. Mas maraming nangangailangan ng pera ngayon kaysa sa manood ng concert. #wewillneverforget,” komento ni Juni Sui.

Ayon sa kolumnista na si Cristy Fermin ay ilang beses daw na-postpone ang nasabing concert ni Vice sa UAE dahil sa mababang benta nila ng ticket.

Sinabi kasi ng kampo ni Vice na kinansela nila ang concert ng komedyante sa UAE dahil sa pagpanaw ng President Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

Pero ayon ka Nay Cristy ay dahilan lang daw ‘yon ng kampo ni Vice upang pagtakpan ang mababang benta ng ticket nila.

“Mayroon akong source na talagang napakatagal na panahon na tumira sa Dubai, ang sabi, ‘Bakit naman si Vice, ginagawa naman niyang t*nga ang mga OFW at mga Pinoy sa Dubai at saka UAE?’ Ang totoo pala, hindi naman totoo na ang mga shows doon ay kinansela at ni-reschedule.” 

“Kasi alam naman po natin ang kultura ng mga Muslim, kapag pumanaw ngayong araw na ‘to, kailangang ilibing din sa parehong araw. At ang pagmo-mourn po o pagkalungkot, tumatakbo lang ng isang linggo, puro dasal na ‘yon.”

“Ayon sa aking source at sa ating mga kababayan sa Dubai, ginawa lang dahilan ni Vice ‘yon dahil ang totoong dahilan, hindi po gumalaw ang ticket sales. May bumili man, hindi sapat para ituloy ‘yung concert. Alam mo kung bakit? BBM-Sara pala ang mga kababayan natin sa UAE,” sabi ng kolumnista.

Facebook Comments