HomeCelebritiesDr. Raquel Fortun, tinawag na 'cringe' ang mga nagkalat na 'Salamat PRRD'...

Dr. Raquel Fortun, tinawag na ‘cringe’ ang mga nagkalat na ‘Salamat PRRD’ tarps

Tinawag na ‘cringe fest’ ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang mga kumakalat ngayon na mensahe ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na sa nalalapit na pagtatapos ng termino ni Duterte ay nagkalat sa iba’t ibang lugar ang “Salamat PRRD” at may ilang grupo pa ang nagpa-planong mag concert upang ipakita ang pasasalamat nila sa popular na pangulo.

Ngunit ilang mga kilalang personalidad katulad ni Fortun ang tila hindi gusto ang nakikitang positibong mensahe ng publiko para kay PRRD>

“Cringe fest. Roads littered with “Salamat PRRD”,” ani Fortun sa kanyang tweet.

Ilang netizen naman ang inakusahan ang gobyerno ng paggamit ng pondo ng bayan para sa Salamat PRRD campaign.

“Waste of public funds in the midst of poverty & hunger.” ani @jmschumey.

fortun01

Pumalag naman ang ilang tagasuporta ni PRRD sa mga banat ni Fortun at ng mga netizens.

“To Mr. Cochico, you got that all wrong! Lahat ng #SalamatPRRD banners na nakikita nyo here and even abroad are initiated and printed by ordinary people like us – not by the govt. and not from public funds. All we had to do is to provide them with the design by email.” ani netizen MJ Quiambao Reyes.

“Mula lahat yan sa mga Pilipinong tingin nyo ay hindi totoong tao 🤭😜 pero nakaramdam ng pagbabago at ngayon nga ay lubos na nagpapasalamat sa Pangulo.” dagdag niya pa.

Wala naman komento ang palasyo tungkol sa banat ni Fortun.

Nakatakdang matapos ang termino ni Duterte sa susunod na linggo, Hunyo 30.

Ang papalit sa kanya ay si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular