HomeCelebritiesDennis Padilla, ibinunyag na hindi siya binati ng Father's Day ni Julia...

Dennis Padilla, ibinunyag na hindi siya binati ng Father’s Day ni Julia Barretto at iba pa nyang anak

Idinaan na lamang sa positibong mensahe ng aktor na si Dennis Padilla ang kanyang kalungkutan matapos siyang hindi batiin ng Father’s Day ng tatlo niyang anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Sa kanyang Instagram post, ipinaalala niya sa mga anak niya kay Marjorie Barretto na Father’s Day noong Linggo at hindi man lang siya binati ng mga ito.

“Miss you both… You forgot to greet me last sunday… Hehe!! Love you… God bless you more,” ani Dennis sa kanyang Instagram post.

julia dennis

Sinundan naman ito ng kanyang post para sa bunso nilang anak na si Leon.

“Leon… You forgot to greet me last sunday… hehe… Love you ingat..” sabi pa ng aktor. julia dennis 2

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa pinagdaraanan ni Dennis ngayon.

“Hayssst sir Denis naawa ako sau Mahal na Mahal mo mga anak mo pero ni reply wala cla,” sabi ni @khingdeamie.

“Kamukha mo c julia at leon dennis…at sana hyaan mo nlng mga anak mo n mklaalala sau kasi nka ilang post ka na at bati wa epek s kanila tama na yan…” @komento ni ph_0330.

“Walang pakialam sa AMA nila,samantala mga mukha kuhang kuha nila ang AMA nila.” wika ni @neneberrey.

Sa ngayon ay burado na sa kanyang Instagram ang mga nasabing post matapos itong makakuha ng daan daang reaksyon mula sa mga netizens.

Wala pang tugon sila Julia, Claudia at Leon sa mensahe ni Dennis.

Matatandaan na naghiwalay si Dennis at Marjorie noong 2007.

Inako naman ng aktor ang responsibilidad sa paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular