Home Celebrities Whamos Cruz, umaasa na hindi niya kamukha ang magiging baby niya

Whamos Cruz, umaasa na hindi niya kamukha ang magiging baby niya

0

Umaasa ang internet celebrity na si Whamos Cruz na hindi niya magiging kamukha ang kanyang magiging anak sa nobya niyang si Antonette Gail.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng 24-anyos na vlogger magiging “masagwa” ang mukha ng kanyang baby kung magiging kamukha niya ito.

Tugon ito ni Whamos sa sinabi ng isa pang internet celebrity na si Xian Gaza kung saan ay umaasa ito na hindi magiging kamukha ni Whamos ang anak niya.

“Jusko huwag naman sana niya maging kamukha ang bata in Jesus name,” ani Xian.

Yon nga din boss ehh.  ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko ang sagwa.” tugon naman ni Whamos.

Ikinatuwa naman ni Xian ang pagiging totoong tao ni Whamos.

Samantala ay tinawag niyang blessing ang pagiging buntis ni Antonette na kanyang nakilala noong 2021.

“So guys, may blessing na naman na dumating sa buhay namin. Sa lahat ng naging blessing na dumating sa amin, ito ‘yung pinakamagandang blessing sa amin, magkaka-baby na kami guys!” ani Whamos.

Hindi rin mapigil ang emosyon ni Antonette matapos nitong malaman sa dalawang pregnancy test na positibo ang kanyang pagdadalang tao.

READ MORE: Girlfriend ni Whamos Cruz na si Antonette Gail, positibong nagdadalang-tao

Sa ngayon ay hinihintay ng mga netizens kung ano nga ba ang magiging kasarian ng anak nila Whamos.

Facebook Comments