HomeCelebritiesTeddy Baguilat napa 'wow' sa desisyon ni BBM na maging pinuno ng...

Teddy Baguilat napa ‘wow’ sa desisyon ni BBM na maging pinuno ng Dept. of Agriculture: “Big challenges.”

Hindi mapigilan ni dating Ifugao Representative Teddy Baguilat na mapa ‘wow’ sa naging desisyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan pansamantala ang Department of Agriculture.

Sa kanyang tweet, pinaalala ni Baguilat ang malalaking pagsubok na kakaharapin ni Marcos upang matupad nito ang kanang pangako na 20 pesos kada kilong bigas.

Ilan na dito ay ang mga problema na naging dulot ng polusyon at climate change.

“Wow! Big challenges. Sobrang mahal na abono, akyat-bagsak presyo ng gulay, pababang fish production dahil sa climate change at pollution and yung pinaka matindi, pangakong P20-peso/kilo rice. Kaya, sir?” ani Baguilat.

Matatandaan na naging desisyon ni Marcos na pamunuan ang DA dahil narin sa dami ng kinakaharap na problema ng bansa pagdating sa agrikultura.

Nakadagdag pa sa problema ang ilang krisis na nangyayari ngayon sa mundo na naging dahilan para sa mga bansang pinagkukunan ng suplay ng pagkain ng Pilipinas na itigil muna ang pag-export ng kanilang produkto.

“For agriculture, I think the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of secretary of Agriculture at least for now. At least until we can reorganize the Department of Agriculture in a way that it can be ready for the years to come,” paliwanag ni Marcos sa press conference nitong Hunyo 20.

Naniniwala naman ang dating Agriculture Sec. Manny Piñol na magagawa ni Marcos ang trabaho niya sa DA at posibleng mas mapadali ang pagresolba sa problema ng agrikultura sa bansa.

“Now, I can see cartel members, smugglers shaking in their boots. Walang tigasin na haharang sa DA budget,” ani Piñol.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular