HomeCelebritiesRuffa Gutierrez, inalala si Yilmaz Bektas: "Si Yilmaz ang greatest love ko."

Ruffa Gutierrez, inalala si Yilmaz Bektas: “Si Yilmaz ang greatest love ko.”

Inalala ni Ruffa Gutierrez ang mala-fairytale na love story niya noon sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Matatandaan na naging usap-usapan noon ng mga Pilipino ang relasyon ni Ruffa kay Yilmaz na itinuturing na isang ‘prinsipe’ sa Turkey.

Nagkaroon ng dalawang anak si Ruffa kay Yilmaz na sina Lorin at Venice.

Ngunit ang mala-fairytale na relasyon ni Ruffa sa kanyang ‘prinsipe’ ay nauwi sa bangungot kung saan ay napag-alaman na hindi pala maganda ang pagtrato ng negosyante sa aktres.

Sa inilathalang artikulo ng Philippine Entertainment Portal nitong Pebrero 2021 ay ibinulgar ni Ruffa na nagkausap na sila ni Yilmaz matapos ang ilang taon.

yilmaz 3

Inamin niya na kahit noong tumakas siya sa Turkey papuntang Pilipinas ay mahal niya parin si Yilmaz.

Si Yilmaz lang yung lalaki na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa rin,” kwento ni Ruffa.

“Kasi may anak kami. At yung sa amin ni Yilmaz kasi, malalim. May dalawang anak kami. In seven to nine years na magkasama kami—nagpakasal kami, nagkaroon kami ng dalawang anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko yung career ko, iniwan ko yung pamilya ko, naghiwalay kami. Ang daming ganap in those years.

“And siya yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa. Na ayaw mo nang maramdaman yung klaseng pain na ‘yon. Kasi iniwan ko siya na mahal na mahal ko pa rin siya. Pero mas mahal ko yung sarili ko. ‘Yon ang nangyari sa amin, e. Hindi naman dahil nag-fall out of love ako sa kanya. It’s more of…I had to learn how to love myself first.” ayon sa pahayag ng aktres.

yilmaz 4

Ngayon ay nag-uusap na lamang sila hindi upang ituloy ang kanilang relasyon kundi para na lamang sa kanilang mga anak.

Ayon sa kanya ay nararamdaman na ni Yilmaz na tumatanda na siya kaya’t gusto niya ng ibaling ang oras niya sa mga anak niya.

“Sabi ko kay Yilmaz…let’s try to be co-parents to our children first, you know. Kasi hanggang ngayon, ako daw ang pinaka-greatest love niya.” pagbabahagi ng aktres.

Inamin niya niya na si Yilmaz din ang “greatest love” niya ngunit mas hinihintay niya ngayon kung sino ang magiging “forever love” niya.

Si Yilmaz ang greatest love ko. Pero ang pinaka-excited na excited akokung sino ang magiging forever love ko. The one that I’m gonna grow old with. Hindi naman ibig sabihin, greatest love moiyon ang makakasama mo habambuhay. Hindi.” sabi pa ng aktres.

Kasalukuyang karelasyon ni Ruffa si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Naging usap-usapan muli ang relasyon ni Ruffa at Yilmaz matapos makipagkita si Venice at Lorin sa kanilang ama sa Turkey.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular