Home Celebrities Pa-birthday! Mayor Chavit Singson, mamimigay ng 24 pares na Air Jordan at 1-M piso

Pa-birthday! Mayor Chavit Singson, mamimigay ng 24 pares na Air Jordan at 1-M piso

0

Inaabangan ngayon ng mga netizens ang birthday blowout ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Chavit Singson ngayong Hunyo 21.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Singson ang kanyang planong mamigay ng 24 na pares ng Air Jordan na maituturing na isa sa mga paborito niyang sapatos at 1-M piso.

Ayon kay Singson ay hahatiin niya ang isang milyong piso para sa 200 tao upang mas madami ang makatanggap ng papremyo sa kanya.

“Maraming salamat sa lahat ng bumati at para may dagdag sa ating gagawin mamayang gabi hindi lang 24 na Air Jordan ang ipamimigay natin, meron din isang milyon,” ani Singson.

“Pero hahati-hatiin natin yan sa tigli-limang libo at matapos niyan ay marami pa tayong idadagdag,” dagdag niya pa.

Inaasahan na mag uumpisa ang live ni Singson ngayong gabi 7:30 PM.

Inulan naman ng pagbati sa social media ang beteranong politiko.

Matatandaan na hindi na tumakbo pa ngayong halalan si Singson matapos niyang mapag-isa ang kanyang mga kamag-anak.

 

Facebook Comments