HomeCelebritiesNobyo ni Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales, pumatol diumano sa lalaki...

Nobyo ni Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales, pumatol diumano sa lalaki na may pamilya na – Cristy Fermin

Ibinahagi ng beteranong kolumnista na si Cristy Fermin ang ilang detalye tungkol sa diumano’y relasyon ng nobyo ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales sa isang mayamang negosyante.

Sa kanyang programa, sinabi ni Fermin na ang nasabing negosyante ay mayroon ng pamilya kaya’t lalo pa itong nakadagdag sa kontrobersiya.

Ayon pa sa kanya ay maliban pa sa nasabing negosyante ay nakikipagrelasyon din si Gonzales sa isang salon owner.

jeric 2

Sinabi naman ng kolumnista na isa siya sa mga “saksi” sa pakikipagrelasyon ng aktor sa kapwa niya lalaki.

“Mas gugustuhin ko na na siya ay magalit sa akin dahil hindi ko pinaniniwalaan ang kasinungalinan niya,”

Nag umpisa ang nasabing isyu matapos kumalat ang larawan ni Gonzales kung saan makikita ito na tila sweet kasama ang isang lalaki.

“Wala ng intro intro spill the tea, oh dito muna tayo guys, stop muna kay Skusta kasi may JERIC GONZALES pa. yung kilala niyong JERIC GONZALES TWO TIMER naman pala. Actually daig pa nga TWO TIMER sa sobrang daming pinag sabay sabay eh. Paano mo nagagawang lokohin ang isang Rabiya?” ayon sa netizen na nag-post ng mga larawan.

Samantala ay wala paring reaksyon si Gonzales at Mateo tungkol sa nasabing isyu.

Ngunit ilang netizens ang napansin na nag-unfollow na sa isa’t isa ang magkarelasyon na isang hindi magandang indikasyon.

READ MORE: Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nag-unfollow-an na sa gitna ng pagkalat ng larawan ng aktor kasama ang isang lalaki

Nitong Marso lamang inanunsyo ni Mateo at Gonzales ang kanilang relasyon na ikinatuwa pa naman ng mga fans nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular