Home Celebrities Nadine Lustre, inamin na hindi agad natanggap ang pagkatalo ni VP Leni: “It took me a while”

Nadine Lustre, inamin na hindi agad natanggap ang pagkatalo ni VP Leni: “It took me a while”

0

Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na hindi niya agad natanggap ang resulta ng halalan kung saan natalo ang kanyang sinusuportahang kandidato na si Vice President Leni Robredo.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, sinabi ni Nadine na nadismaya siya sa pagkatalo ni Robredo at hindi niya ito agad agad natanggap.

“Honestly, who wouldn’t be sad naman di ba? I was also a bit disappointed. It took me a while before I got to like accept it just because of course she is someone that you believe in,” ani Nadine.

Kahit na natalo ay masaya parin naman si Nadine para kay Robredo dahil sa balak parin ng bise na ipagpatuloy ang serbisyo publiko kahit na matapos na ang kanyang termino.

“Grabe ‘yun. Naalala ko nung election I was nervous for a couple of days before and after so it was really stressful but at the end of the day I guess it is what it is but I’m really happy that Madam Leni is not taking a break,” sabi ng aktres.

“She is doing whatever she can and I’m still here to stand by her,” dagdag niya pa.

Isa lamang si Nadine sa napakaraming artista na nagpakita ng suporta kay Robredo nitong nakaraang halalan.

Ngunit tila hindi naman gumana ang star power ng mga pinagsama-samang celebrities dahil sa bigo parin itong matalo ang katunggali niyang si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na tinambakan siya ng mahigit 16-M na boto.

Samantala ay balak namang ilunsad ni Robredo ang ‘Angat Buhay NGO’ pagkatapos ng kanyang termino.

Facebook Comments