Home Celebrities Ina ni Jang Lucero, humingi ng tulong upang mahanap ang mga tumapos sa buhay ng anak niya

Ina ni Jang Lucero, humingi ng tulong upang mahanap ang mga tumapos sa buhay ng anak niya

0

Dalawang taon matapos ang pagpanaw ng lady driver na si Jang Lucero ay tila hindi parin nakukuha ng kanyang mga kamag-anak ang hustisya.

Matatandaan na noong Hunyo 28, 2020 ay ginimbal ang mga netizens ng balita tungkol sa pagpaslang kay Lucero sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna.

Naging daan din ang nasabing kaso upang sumikat ang isang manghuhula sa social media na si Rudy Baldwin na sinubukan na resolbahin ang kaso sa pamamagitan ng kanyang ‘hula’.

Ibinahagi naman ni Angela Lucero, ina ng biktima ang update tungkol sa paghahanap nila ng hustisya para sa kanilang minamahal sa buhay.

Ayon kay Mrs. Lucero ay pinaghahahanap na ngayon ng mga otoridad sina ‘SAYMA GUTASILION ABUBAKAR, ALIAS ALTHEA RAMOS’ at ‘AIKI YOSHIDA’ matapos ihain ng Branch 105 ng Calamba RTC ang warrant laban sa dalawa.

Ibinahagi din ni Mrs. Lucero ang larawan ng dalawang suspek.

Larawan ng mga suspek mula kay Angela Lucero

Una ng hinuli ang ex-girlfriend ni Lucero noong 2020 na si Ann Shiela Montes Belarmino na makikitang kasama ng biktima.

Ayon sa mga ulat noon ay ‘love triangle’ ang naging dahilan ng pagtapos sa buhay ni Lucero.

Anim ang itinuturing na suspek ng mga otoridad at sa kasalukuyan ay tatlo na ang napangalanan.

Hanggang ngayon ay umaasa ang mga netizens na mabibigyan na ng hustisya si Lucero.

“Eto Ang pnakahihintay q..sna mhuli na kng sno man Ang my ksalanan..” sabi ni Lorna Belga.

“Sana etu na ang kasagutan n hinihintay nting lahat bago sana mg 28 para sa ikawalang taon ni Jang mkuha n ang justice..” komento naman ni Liza Caones.

 

Facebook Comments