HomeCelebritiesRabiya Mateo at Jeric Gonzales, nag-unfollow-an na sa gitna ng pagkalat ng...

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nag-unfollow-an na sa gitna ng pagkalat ng larawan ng aktor kasama ang isang lalaki

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-unfollow sa isa’t isa ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales.

Makikita sa Instagram page ng dalawa na hindi na sila naka-follow sa isa’t isa na isang senyales na mayroong silang problema.

Nitong Marso ngayong taon lamang ibinulgar ng dalawa ang kanilang relasyon.

screencap 2022 06 20 at 7.56.47 PM

Matatandaan na ginagamit na indikasyon ng mga ‘marites’ ang Instagram page ng mga celebrity couples upang malaman kung naghiwalay na nga ba sila o may problema ang mga ito sa relasyon.

Ginawa narin ito ng mga netizens sa singer na si Moira dela Torre at Jason Hernandez na nag-unfollow sa isa’t isa at kalaunan ay inamin na sila’y hiwalay na rin.

jeric rabiya instagram

Matatandaan na ilang kolumnista na ang nagsasabi na mayroong problema sa relasyon si Rabiya at Jeric.

Maaring nakadagdag pa dito ang mga larawan ng aktor kasama ang isang lalaki kung saan makikita ang tila lambingan ng dalawa.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor upang kumpirmahin kung ano nga ba ang istorya sa mga kumakalat na larawan.

READ MORE: Larawan ng nobyo ni Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales kalat na kalat na sa social media

Ilang netizens ang hindi na natutuwa sa kaliwa’t kanan na hiwalayan ng mga celebrity couples at umaasa na magkaka-ayos din ang mga ito.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular