Home Celebrities Piñol, tinawag na “brilliant move” ang desisyon ni BBM na pamunuan ang Agriculture: Cartel, Smugglers are shaking!

Piñol, tinawag na “brilliant move” ang desisyon ni BBM na pamunuan ang Agriculture: Cartel, Smugglers are shaking!

0

Naniniwala si dating secretary Manny Piñol na isang magandang desisyon ang ginawa ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na pamahalaan ang Department of Agriculture (DA).

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Pińol na pinamunuan ang DA sa ilalim ng administrasyong Duterte kung bakit “brilliant move” kung maituturing ang naging plano ni Marcos.

Ayon sa kanya ay makakatulong ang pamumuno ni Marcos sa DA upang mapadali ang pagpapasa ng budget nito.

“With PFMJr. as DA chief, wala nang makakaharang pa sa pag-unlad ng agriculture. Best, brilliant move,” ani Piñol.

“Now, I can see cartel members, smugglers shaking in their boots. Walang tigasin na haharang sa DA budget,” dagdag niya pa.

Inanunsyo ni Marcos ang kanyang planong pamunuan ang DA nitong Hunyo 20.

Ayon sa kanya ay malaki ang problema ngayon sa agrikultura kaya’t kinakailangan na siya na mismo ang mamuno dito upang mas lalong matutukan ang nasabing departamento.

“For agriculture, I think the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of secretary of Agriculture at least for now. At least until we can reorganize the Department of Agriculture in a way that it can be ready for the years to come,” paliwanag ni Marcos.

Planong pagtuunan ng pansin ni Marcos ang food production lalo na’t pinoprotektahan ngayon ng ilang bansa ang kanilang suplay ng pagkain.

“You may have noted that Thailand and Vietnam, for example, one of our main sources of imported rice, have decided to ban their rice exports at least for now. We have to compensate for that by hopefully increasing production here in the Philippines,” wika ng susunod na pangulo.

Facebook Comments