Home Celebrities Madam Inutz, hindi ikinakahiya na macho-dancer ang kanyang boyfriend: “At least nagsusumikap”

Madam Inutz, hindi ikinakahiya na macho-dancer ang kanyang boyfriend: “At least nagsusumikap”

0

Hindi ikinakahiya ng internet celebrity na si Daisy Lopez a.k.a ‘Madam Inutz’ ang trabaho ng kanyang kasalukuyang nobyo na si Tantan.

Sa kanyang vlog, sinagot ni Inutz ang mga katanungan tungkol sa kanyang kasalukuyang relasyon at ipinagtanggol din nito ang kanyang nobyo mula sa mga akusasyon ng ilang netizens.

Ayon kay Inutz ay hindi dapat husgahan si Tantan dahil lamang sa ang trabaho nito ay ang magsayaw sa club na pagmamay-ari ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Naniniwala rin siya na hindi siya peperahan ng kanyang nobyo.

“Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganun karumi, is ganun klase ng trabaho, kumbaga , peperahan ka na.” wika ni Inutz.

Sinabi rin ng internet celebrity na kung usapang bar lamang ay mas may alam siya dito lalo na’t nakapagtrabaho na siya bilang entertainer.

“Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya. So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala.” ani Inutz.

“Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan. At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya,” dagdag niya pa.

Sinagot naman ni Tantan kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na ulat na siya ay isang miyembro ng LGBT.

“Hindi ako bayot, hindi ako bading, hindi ako paminta. Lalaki ako. Straight 100 percent.” sabi ni Tantan.

Nakilala si Inutz sa kanyang pagiging live-seller sa social media.

Pumasok din ito sa Pinoy Big Brother kung saan ay pinanood siya ng milyon milyong netizens.

Facebook Comments