Home Celebrities Girlfriend ni Whamos Cruz na si Antonette Gail, positibong nagdadalang-tao

Girlfriend ni Whamos Cruz na si Antonette Gail, positibong nagdadalang-tao

0

Hindi maitago ng blogger at internet celebrity na si Whamos Cruz ang kanyang kasiyahan ng malaman na ang kanyang girlfriend na si Antonette Gail ay positibo sa pagdadalang-tao.

Sa kanyang ibinahaging video, inanunsyo ni Antonette ang naging resulta ng dalawang pregnancy test na agad naman niyang ipinakita sa kanyang nobyo.

Makikita na umiiyak sa tuwa si Antonette dahil sa wakas ay magbubunga na ang pagmamahalan nila ni Whamos.

“Masayang-masaya ako, guys. Mula labas hanggang loob ng bahay namin kaya kong isigaw sa buong mundo na mayroon na kaming baby ni Antonette,” ani Whamos.

Hiling naman ng mga fans ni Whamos, sana’y bawas bawasan na ng ilang mga netizens ang pambabatikos lalo na’t nagdadalang tao na si Antonette.

Matatandaan na hindi naging madali ang umpisa ng relasyon ni Antonette at Whamos dahil sa magulang ng dalaga.

Nitong nakaraang taon ay inakusahan si Whamos ng pang-iiwan sa kanyang unang pamilya para kay Antonette.

READ MORE: Whamos Cruz, inakusahan na iniwan daw ang kanyang pamilya: “Ni isang kusing wala kang ibinibigay!”

Ipina-tulfo din si Whamos ng ina ni Antonette dahil diumano’y menor-de-edad pa ang kanyang anak.

“Kelan mo balak iuwi sa pamilya nyang batang bata at menor de edad kong anak. Halos ayaw mo layuan anak ko nung nasa bahay ka …masyado mo sinilaw sa material na bagay Ang anak ko .at ayaw mo halos mawala sa paningin mo ang anak ko..Hindi mo binibigay obligasyon ko bilang ina ni tonet sayu ..kung matino ka lalaki Sana lang inayus mo yang pamilyang binuo mo at inanakan mo..panu ka magiging good example sakin? Ganun din ba balak gawin mo sa anak ko, pag pinagsawaan iiwan?” ani Dolly del Rosario, ina ni Antonette.

READ MORE: Ina ni Antonette Gail del Rosario kay Whamos Cruz: “Ibalik mo ang menor de edad kong anak!”

Ngunit nabaliktad ang ina ni Antonette sa programa ni Raffy Tulfo at hinimok nito ang dalaga na huwag ng bumalik sa kanyang pamilya.

Facebook Comments