Home Celebrities Ang taray! VP Leni Robredo: “Talo natin sila kahit mas kunti tayo, kasi tayo totoong tao”

Ang taray! VP Leni Robredo: “Talo natin sila kahit mas kunti tayo, kasi tayo totoong tao”

0

Kalat na kalat na sa social media ang isang TikTok video kung saan makikita si Vice President Leni Robredo habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Sa nasabing video na ni-record at in-upload ni @marialeonaur makikita si Robredo habang umiinom ng kape at nagsasalita tungkol sa mga ‘trolls’ na bumabatikos sa kanila.

Tila binibigyan ni Robredo ng lakas ng loob ang kanyang mga kasamahan na huwag magpaapekto sa mga bumabatikos sa kanila dahil sa hindi naman diumano totoong tao ang mga ito.

“Wag kayong magpaapekto sa mga ‘trolls kasi karamihan sa kanila ay hindi totoong tao,” ani Robredo. “Talo natin sila ┬ákahit mas kunti tayo kasi tayo totoong tao,”

“Wala tayong binabayaran na trolls. Kumakampi satin lahat galing sa puso,” dagdag niya pa.

Ilang netizens ang pumalag sa sinabing ito ni Robredo.

“Iba pag TV camera, mabait siya.. haha!” sabi ni Ojo Belarmino.

“Leni…d kami trolls..until now yan pa din paniwala mo..kelan ka po matatauhan!” komento ni Alexs Reign.

“thank you madam leni for the daily dose of laughter hahaha hindi ka namin mamimiss,” wika ni John Paul Bautista.

Hindi naman sigurado kung kailan kinuha ang nasabing video.

Matatandaan na bigong manalo si Robredo sa eleksyon matapos siyang matalo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

31-M ang nakuhang boto ni Marcos samantalang 14.8-M lamang ang nakuha ni Robredo.

Facebook Comments