Home Celebrities Winnie Monsod, naniniwala na posibleng hindi maupo si BBM bilang presidente

Winnie Monsod, naniniwala na posibleng hindi maupo si BBM bilang presidente

0

Naniniwala ang ekonomista at propesor na si Winnie Monsod na hindi matatapos ang termino ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang huling column sa Philippine Daily Inquirer bago ito maalis sa pahayagan ay posibleng paboran ng Korte Suprema ang disqualification case na isinampa ng ilang grupo laban kay Marcos.

“Everyone seems to assume that Ferdinand Marcos Jr. will be the next president. Hold your horses! It may be temporary. The Supreme Court still has to decide two cases against him.” ani Monsod.

“[I]n 2016, the high court reversed its previous rulings and I quote, ‘Suffice it to state that NO SUCH PRESUMPTION EXISTS IN ANY STATUTE OR PROCEDURAL RULE. Besides, it is contrary to human experience that the electorate would have full knowledge of a public official’s misdeeds,” sabi niya pa.

Matatandaan na may dalawang disqualification case na hinaharap si Marcos sa Korte Suprema.

Ilan sa mga kinukwestiyon ay kung “qualified” nga ba si Marcos na maging kandidato at kung nagbabayad ba ito ng tamang buwis.

Sinabi naman ng Commission on Elections (COMELEC) na kung sakaling ma-disqualify si Marcos ay si Vice President Sara Duterte ang papalit dito.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Marcos sa inilathala ni Monsod.

Source

Facebook Comments