Home Celebrities Sandro Marcos, ibinahagi ang pinakamagandang payo mula sa ama niya: ‘Pag pikon ka talo ka’

Sandro Marcos, ibinahagi ang pinakamagandang payo mula sa ama niya: ‘Pag pikon ka talo ka’

0

Ibinahagi ni Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos ang isa sa mga pinakamagandang payo na natanggap niya mula sa kanyang ama na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang vlog nitong Father’s Day, sinabi ni Sandro na naturuan siya ng kanyang ama na huwag ng magpaapekto sa mga sinusubukan ang kanilang pasensya.

“Bawal pikon, kasi pag pikon ka talo ka,” ani Marcos.

Ayon sa kanya ay tinuruan siya ng kanyang ama na ilaan na lamang ang kanilang oras sa mas mahahalagang bagay.

Ang pagiging mahaba ang pasensya ang maaring isa sa mga pinaniniwalaang pinakamahalagang ugali na kailangan matutunan ng mga nasa gobyerno ayon kay Sandro.

“I think that’s an important trait to have in the government.” sabi pa niya.

“He has always looked at the brighter side of life. He always looked for the good in people,” dagdag niya pa.

Ibinahagi din ni Simon Marcos kung ano nga ba ang payo sa kanya ni BBM.

“Always remain objective, to never make a decision when you’re too angry, when you’re too happy, or too sad.” sabi ni Marcos.

Samantala ay sinabi naman ni Vincente Marcos na tinuruan siya ng kanyang ama na huwag magaling kaninuman.

“You always led by example and are always such a great person to be around,” mensahe ni Vincent sa kanyang ama.

“I know the Filipino people are lucky to have you as their new president. I’m so excited to see your plans and all the help you wanted to give finally coming into action for the good of the country and its people,” dagdag niya pa.

Facebook Comments