HomeSocial MediaProud papa! Vice President Inday Sara, niyakap ang ama na si outgoing...

Proud papa! Vice President Inday Sara, niyakap ang ama na si outgoing Pres. Rodrigo Duterte

Hindi maitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagiging proud na ama sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Makikita na matapos siyang manumpa bilang ika-15 na bise presidente ng Pilipinas ay agad niyakap ni Inday Sara ang kanyang mga magulang.

Hindi rin nakalimutan ng bise presidente na magmano sa kanyang ama.

Sa loob ng 11 na araw ay maituturing na parehong Duterte ang magiging Pangulo at Bise Presidente ng bansa.

Sa Hunyo 30 nakatakdang bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte.

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ng bise presidente na ang edukasyon ay nag-uumpisa sa tahanan.

“At home, parents have the duty to teach children the values of integrity, discipline, respect, and compassion for others,” mensahe ng dating alkalde ng Davao.

“I am Inday Sara. A proud Dabawenya. A proud Mindanawon. I am not the best, or the smartest person in the Philippines and in the world but nothing can beat fortitude,” dagdag niya pa.

Samantala ay tiwala naman si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magagampanan ni Duterte ang kanyang trabaho bilang bise presidente at Education secretary.

“I’m so proud of her. She’s going to be great, she’ll do great job. I know it,” sabi pa ni Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular