HomeSocial MediaPangulong Duterte, magta-trabaho sa opisina ni Sen. Bong Go pagkatapos ng termino...

Pangulong Duterte, magta-trabaho sa opisina ni Sen. Bong Go pagkatapos ng termino niya

Ibinunyag ni Senador Christopher “Bong” Go na patuloy paring magsisilbi sa bayan si outgoing President Rodrigo Duterte pagkatapos ng termino nito.

Sa inagurasyon ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo, Hunyo 19 ay ibinunyag ni Go ang posibleng pagta-trabaho ng kanyang dating boss sa opisina niya sa senado bilang isang legal consultant.

“Knowing the President, talagang hinahanap po ng kanyang katawan. Nasa DNA na po niya ang pagtatrabaho. Sabi ko, ‘Mr President, pwede ba kitang kunin kahit man lang legal consultant?’ Pumayag naman po siya,” sabi ni Go.

sara duterte 1

Sa Hunyo 30 nakatakdang matapos ang termino ng Pangulo.

Una ng sinabi ni Duterte na binabalak niya rin na maging propesor pagkatapos ng kanyang termino.

Inalok din si Pangulong Duterte na magtrabaho sa susunod na administrasyon ngunit hindi parin ito naglalabas ng kanyang desisyon.

Hindi naman ibinunyag ng pangulo kung may balak pa ba siyang pumasok sa politika pagkatapos ng kanyang pagiging pangulo.

Matatandaan na tumakbo ito sa pagkasenador ngunit umatras din ito sa kanyang kandidatura bago pa mag umpisa ang kampanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular