HomeCelebritiesKasalukuyang nobya ni Sandro Marcos na si Alexa Miro ibinunyag sa social...

Kasalukuyang nobya ni Sandro Marcos na si Alexa Miro ibinunyag sa social media

Ibinunyag ng batikang kolumnista na si Lolit Solis ang diumano’y kasalukuyang karelasyon ni incoming Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Lolit ang diumano’y pagka-link ni Sandro sa television host at aktres na si Alexa Miro.

“Talagang nagkaruon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali link siya kay Alexa Miro, sang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud. Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala sang starlet na nakuha ang attention ng binata,” ani Lolit.

alexa miro 2

Maliban sa pagiging representante ng Ilocos ay magiging parte din si Marcos ng presidential family kaya naman inaasahan na mas malaki ang magiging responsibilidad nito.

Dahil dito ay nag-iisip din ang mga netizens kung magkakaroon pa ba ng oras sa lovelife ang susunod na presidential son.

Wala naman daw nakikitang problema si Lolit kung sakali man na may relasyon ang dalawa dahil pareho naman daw single si Marcos at Miro.

Ngunit ay maghanda si Marcos dahil maaring madami pang artista ang ma-link sa kanya.

“Maraming babe na gugustuhin ma link sa kanya, kaya humanda na siva sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaruon ng eligible bachelor a mataas ang premium para sa mg naghahanap ng Papa,” sabi pa ng kolumnista.

lolit 1

Samantala ay inilathala ng Politiko na kinumpirma ng kampo ni Marcos ang relasyon sa pagitan ni Marcos at Miro.

Nitong nakaraang taon pa diumano magkarelasyon ang dalawa.

Nananatili namang pribado ang kanilang relasyon at hindi sila masyadong nagpo-post sa social media.

Hindi pa nagbibigay ng direktang pahayag si Marcos at Miro ukol dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular