Home Celebrities Kampo ni Robredo, balak kasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media

Kampo ni Robredo, balak kasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media

0

Nagbabalak magsampa ng kaso ang kampo ni Vice President Leni Robredo laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo na ito ang gagawin nilang mga hakbang pagkatapos ng termino ng bise.

“Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng isang malawakang pagkilos at inisyatiba para tugunan at kalabanin itong paninira at paglaganap nitong fake news at kasinungalingan sa social media. Klaro na itong klase ng kalakaran ay nakakasira sa ating demokrasya at maayos na diskursong pampubliko,” ani Gutierrez sa panayam sa kanya sa isang radio program.

“Pinaguusapan, kasama ng ilang grupo ng mga abogado, ang pagsasampa ng kaso laban doon sa mga tao na pinipilit na ipagpatuloy ito at posible ding laban doon sa mga mismong plataporma na nagho-host ng mga ganitong klaseng materyales gayang mga social media platforms na meron tayo sa kasalukuyan,” dagdag pa niya.

Ayon kay Gutierrez ay si Robredo diumano ang numero unong biktima ng pekeng balita sa social media.

“Para din ito sa kapakanan at kabutihan ng ating buong bansa at ng ating buong lipunan. Kailangan mapalabas natin ‘yung totoo. Kailangan ang ating usapan ay nakabatay sa katotohanan at datos, at hindi sa fake news,” sabi ng tagapagsalita.

Matatandaan na tinambakan ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Robredo nitong nakaraang halalan.

Ilang tagasuporta naman ni Robredo ang sinisi ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media kaya’t natalo ang manok nila.

 

Facebook Comments