Home Celebrities Jim Paredes, pinuna ang pagmano ni Mrs. Sanvicente sa pinuno ng PNP: “Can anyone explain this?”

Jim Paredes, pinuna ang pagmano ni Mrs. Sanvicente sa pinuno ng PNP: “Can anyone explain this?”

0

Hindi naitago ng legendary OPM artist na si Jim Paredes ang kanyang pagtataka sa pagmamano ng ina ng SUV driver na umararo sa isang security guard sa Mandaluyong City sa mismong pinuno ng PNP.

Matatandaan na kumakalat sa social media ngayon ay pagmamano ng ina ng suspek na si Jose Antonio Sanvicente kay PNP office-in-charge PLTGen Vicente Danao Jr. sa press conference na ginanap nitong Hunyo 15.

Sa kanyang tweet, humingi ng paliwanag si Paredes sa nasabing tagpo sa pagitan ni Mrs. Sanvicente at Danao.

“Can anyone explain this?” tanong ni Paredes.

Nagbahagi rin ng isang larawan si Paredes.

Ilang netizens naman ang sinagot ang singer.

“If you want an explanation, you should ask Danao Jr to avoid inferences. But if you mean you want other people’s opinions on the photo, then this photo is a callous display of arrogance & unprofessionalism, which must be scrutinised, especially since he’s tagged as the next CPNP.” ani @djvcrame.

“We can’t blame the girl Kung gustong magpa lakas Kay sir. Kahit Anong Gawin nila may kaso na. Managot sa batas ang may Sala.” komento naman ni @kmitz123.

Ilang beses ng itinanggi ng PNP na may koneksyon si Danao at ang pamilya Sanvicente.

Ayon sa kapulisan ay sa nasabing press conference unang nagkita ang pinuno ng PNP at ang pamilya ng suspek.

Facebook Comments