Sunday, November 27, 2022
HomeCelebritiesWinnie Monsod tinanggal sa Inquirer dahil sa koneksyon nito sa Rappler

Winnie Monsod tinanggal sa Inquirer dahil sa koneksyon nito sa Rappler

Ikinabigla ng mga netizens ang pag-anunsyo ng ekonomista na si Winnie Monsod na ang kanyang column ngayong Hunyo 17 ay ang panghuli niyang ilalathala sa Philippine Daily Inquirer.

Sa kanyang column, sinabi ni Monsod na pinadalhan siya ng sulat ng associate publisher ng Inquirer na si Juliet Labog Javellana kung saan ay inaalis na siya sa nasabing pahayagan dahil sa koneksyon niya sa Rappler.

Tinawag na “direct competitor” ng Inquirer ang Rappler sa nasabing email kaya naman conflict of interest kung maituturing ang dahilan kung bakit inalis si Monsod sa pahayagan.

Si Monsod ay nagsisilbing board member ngayon ng Rappler at hindi niya naman ito ikinakahiya.

Ayon sa kanya ay maituturing na karangalan ang pagsisilbi niya sa Rappler dahil ito daw ang laging binabatikos ng kasalukuyang administrasyon.

“I saw Rappler as a comrade in arms to PDI and not a competitor. I assumed PDI management felt the same, since at no time from 2018 to the present did PDI management take issue with my involvement with, or advocacy of, Rappler’s cause,” ani Monsod.

Hindi rin nagustuhan ni Monsod ang paraan ng pag-aalis sa kanya sa Inquirer lalo na’t nagtrabaho siya sa pahayagan ng mahigit dalawang dekada.

“Why the suddent volte-face by PDI? And why, after more than 20 years of working together, does PDI not think that I rate a face-to-face discussion or a Zoom chat or a telephone chat, instead of an impersonal email?” sabi pa niya.

screencap 2022 06 18 at 5.51.24 PM

Ilang fans naman ni Monsod ang hindi natuwa sa nasabing desisyon.

“I think she can put out columns on her own. Her credibility and wit will continue to enjoy viral interest.” sabi ni Carolyn Esposo.

“This was anticipated even before the election results were officially out.” ani Christina Hidalgo.

“That’s why i’ve stopped buying newspapers! They are so scared to be censored if ever!” komento ni Yaki Ludan.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular