HomeCelebritiesPeace na! Sharon Cuneta nakipagkita kay Sal Panelo na tinawag niya noong...

Peace na! Sharon Cuneta nakipagkita kay Sal Panelo na tinawag niya noong “nakakahiya”

Matapos ang mainit na kampanya ay tila tapos na ang hidwaan sa pagitan ni Megastar Sharon Cuneta at dating presidential legal adviser Salvador “Sal” Panelo.

Sa ilang larawan na ibinahagi ni Robin Padilla sa social media ay makikita ang kanilang pagbisita ni Panelo na tinawag ang kanyang sarili bilang “Sharonian” sa concert ni Sharon at ni Regine Velasquez.

Ikinatuwa naman ni Robin ang madamdaming pagkikita sa pagitan ni Sharon at Panelo na matatandaang nagkaroon ng matinding isyu noon dahil sa paggamit ng abogado ng kanta ng megastar sa isa sa kanyang mga kampanya.

panelo sharon 2

“Maraming Maraming salamat po kambal mam Sharon Cuneta- Pangilinan sa pagsalubong sa Amin ni secretary idol Salvador “Sal Panalo” Panelo sa inyong napakagandang concert ni ms regine Velasquez- Alcasid na nagbigay ng Napakaraming makukulay na alaala ng kagandahan at kagalakan kayat sa bawat inyong inawit ay napapasabay kami ni sec sal panelo panalo.” wika ni Robin.

“Napakasarap ng pakiramdam ng magaan na ang lahat. Napakaganda po ng inyong mensahe patungkol sa pagtaTapos ng eleksyon  at oras na para Tayong lahat ay magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng Inangbayan Pilipinas. Bagay na bagay ang kulay nating dalawa sa larawan na ito sa diwa ng uniteam.” dagdag niya pa.

Matatandaan na negatibo ang naging reaksyon ni Sharon noon Marso sa pagkanta ni Panelo ng kanyang classic na “Sana’y Wala nang Wakas’

“Nanang ko pls lang nakakahiya naman samin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic.” ani Cuneta.

“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy, nakakahiya naman samin! Kinilabutan ako in a bad way!” dagdag niya pa.

Binura niya naman ang nasabing post matapos itong ulanin ng batikos mula sa mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular